Latest Battle

Search here your favorite FlipTop Battles......

Saturday, December 29, 2012

Fliptop Abra Lines vs Shehyee

Shehyee vs Abra
Shehyee vs Abra
Here are some of the best fliptop lines of Abra versus Shehyee during their fliptop battle at Dutdutan XI last August 27, 2011 at the Philippine Tattoo Expo, World Trade Center, Pasay City, Philippines. Abra won this battle.

Abra fliptop lines


Hindi ko akalain na makikipaglaban ako sa isang mangyan ng iba pang lungga, na mababa ang tingin kay bathala kaya, ayan, ganyan ang ginawang sumpa. Yung baba nya sandata at yan ang pinapang-tuka. Sa sobrang haba nyan pwede nang lagyan ng isa pang mukha.


Kung face value ang usapan wala ako kahit konting kaba. Kasi ang asim na nga ng mukha mo, tapos, korteng mangga. Mangga-ling ka man sa Mangga-luyong isa ka pa ring mangga-gaya. Pag lumaking duktor - manggagamot, pagtrabahador - manggagawa.


Sa ganyang baba, siguro pag humihindi ka pwede ka ng makasuntok ng tao. Pag umu-oo ka naman pwedeng pwede ka ng pampukpok ng pako.

At kung magrereband ka lang nang… baba ka ng baba eh height mo nga mababa. Tsong ba iba na, kasi ang baba ng kaligayahan mo tapos yung mukha mo may takong sa ibaba.

Isa lang naman ang tanong ko jan sa alaga mong parihaba… baba, baba pano ka ginawa?

Napakatulis na parang espada ng samurai na sa mukha nakalagay. Yumuko ka lang ng konti, hara kiri pwede ka ng magpakamatay.

Gwapo daw sya, alyas baba-baero. At marahil man kung tama, hinirang na looks can kill pag nasagi ka ng baba.



Sabi nya papatayin daw nya ako gamit yung baba nya. Tol, wag ka masyadong maangas sabi mo mahaba ang baba mo pero hindi yan ganun katalas.

Tapos, sabi nya unano daw ako.. puro height jokes na naman. Hindi ka pa ba nagsasawa? Kasi kapag ikinumpara yang mukha mo sa mukha ko, mukha mo yung mas nakakaawa.

Tapos, sabi nya para daw akong baby. Ikaw, para kang nilalangaw na bangkay. Pero, para ka rin namang baby, amoy baby na limang araw ng patay.

Eto, eto, true story.. Tinext nya ko dati sabi: Abra pag may 2 on 2 please kampi tayo dapat. Tas, natanggap nya yung text ko na: buti naman may katag team na kong nahanap. At pag reply nya sakin na: Yes, gagalingan ko talaga. Salamat. Kasabay ng pahabol kong text na: Ay! Wrong send, kay Apekz pala dapat.

Kala mo kung sino makaasta, istilong puro pasigaw, pwersa, porma, panay pekeng kumpyansa. Pero kahit na busugin mo kami sa mga munting syllabic rhymes eh balewala kung walang sustansya.

Pagdating sa aspetong lyrical puro angas ka lang, habang, kusang magiginto mga lyrics ko. Kaya sana tanggapin, mo na lang din, na hindi ka kasinggaling, ng tingin mo sa sarili mo.

Teh! Teh! Teh! Trying hard mag English. Yeah, you’re the shit. Oo, tae ka lang at kung wala ka talagang pakialam sa win-loss record mo ba’t ka nag text sakin dati na sana promo battle na lang.

Feeling pogi, feeling mahusay, feeling sikat, feeling matalino, ang hilig pang magyabang. Kasi kung feeling mo tama ka jan sa lahat.. in short, feeling Abra ka lang.

Yeoh! Alak daw. Kanina andun ako sa VIP room umiinom ng colt, nakita ko sya umiinom, alam nyo iniinom nya? Yakult.

Tapos sabi nya konyo daw ako. Eh yung porma mo mas nakakadiri pa sa uod. Nakita ko sya dati sa Rockwell naglalakad nakasuot ng V-neck hanggang pusod.

Tapos, anu ba yun? Sabi mo nagaral ako sa pinakamahal na university. Medyo, pero wag mo ko lalaitin, kasi sa kahit anung aspeto talo ka samin. And just to rub it in, yung tuition nyo baon lang namin.

Hindi ka mestizo albanio na naita ka lang na para bang tinaga. Ganyan itsura ni Alfred Newman pag nagbinata. Mukha kang cross breed ng tipaklong, tutubi, talakitok, tuko, tarsier at iba pa. Ngayun tuturuan kita kung panu talaga mag rap tang ina ka.

Listen

Hindi mo naman kayang bumanat ng mga katagang matalinghaga, yung talas ng utak ko at talas ng baba mo talagang magkasing haba. At para sakin wala kang dating, bat ba parati nagmamagaling, kung alam mo talaga na magaling ka na, bakit wala ka parin narating?

Pinatameme ng di namalayan. Ang pinakapeke sa liga ng High. Parang kuneho laban sa pagong di ka pwede makipagsabayan.

Naku namutla, tamo naluha, panalo sa laban na to ako na. At di ka makakalabas ng Dutdutan ng di ka nagpapatattoo sa mukha.

Bawat kataga ko tumatatak, para bang may nakakapit na benteng linta. Ngayun baon mo na ang bago mong titulo bilang bitch ni Abra permanenteng tinta.

Yang mga mata mo, dilat na dilat na parang kada oras ka nagkakape. Kung ayaw mo matawag kang panget, tanga at mahinang klase, sakin wag kang tatabi. Balewala ang lakas ng loob kapag nakikipaglaban ka sa tangke dahil ang paglaban mo sakin parang mukha mo isang malaking pagkakamali.

Yeoh! At tapos pati pag graduate ko kinontra mo pagkatapos ng laban na to isasampal ko sa mukha mo yang diploma ko.

3 comments :

Fliptop Abra Lines vs Harlem

Abra vs Harlem
Harlem vs Abra
Another worderful fliptop lines of Abra during his battle with Harlem at Bwelta Balentong held at Freedon Bar in Quezon City, Philippines last July 17, 2010.



Abra Fliptop Lines


“Makinig lang kayo, para maranasan ang abrakadbra gamit ang aking nakatagong panyo. Isda to kanina, ginawa ko nang tao pero di yata natapos ang pagbabagong anyo. Kaya mukha ka pa ring isda na napadpad sa lupa. Nakatayo, matipuno pero kasintangkad ng kuba.”

“Sino ba ako para manglait, eh! mukha naman akong totoy, malapilipinong binata. Eh! Ikaw maliit ka na nga mukha ka pang syokoy at piniritong tilapia.”

“Ba’t ba ganyan ang get up mo, sang magasin mo ba yan napulot? Tsong, hindi ka pwedeng maging dream guy kung ngayun pa lang mukha ka ng bangungot.”

“Ang sarap mo asarin at napakalaugh trip pagtripan, pero sa sobrang pangit mo nakaka badtrip ka tignan. Nakakasira ng araw na parang picture ng bading, wag kang gagala sa lupa pre mukha kang creature of the deep.”

“Panu ba pumatay ng emcee? Dapat munang umaray. Pipintasin na para bang pipilipitin ang leeg. Matapos ay sisindakin at pipiliting making sa mg banat na tila nasasaniban n multo. Na kakapitan ka na parang nabahiran ng dugo. Ako’y nasusugatan at mababalian ng buto, pero wag mo subukang umasta nagkamali ka ng gulo.”

“Ako ang hari ng sablay sige hindi na ako dapat pang umangal, pero sa sobrang talino ko pinagsasabay ko ang rap at pag aaral. At sa sobrang pangit mo naman kasi pinag sasabay mo yang mukha mo sa mukha ng iba. Kaya panu mo sasabihin na mukha kang artista kung mukha ka lang naman talagang isda.”

“Dudumugin ko itong bubwit na kulang sa bitamina. Ay! Nakatayo ka naba? Akala ko kasi nakaupo ka lang kanina.”

“Kaya pagdating sa babae wag mo ide-deny na hindi ka pa sabik. Hindi ka lang makadiskarte kasi maliit ka na nga tapos yung mukha mo parang hinila pabalik.” 

“Wag mong sabihin na wala kang depekto, tsaka lang ako naniniwala na walang taong perpekto.Kasi kanina nung tinitignan kita hindi ko alam kung may nakakagagong epekto kasi akala ko rapper ka pero kanina hinablot mo yung wallet ko, yun pala isa kang isnatser sa recto.”

“Hihiga yan sa kabaong matapos kong lamunin, gagamitan pa ng kame hame wave at haduken” 

“Alam mo ba bat ang titi mo umatras? Sapagkat noong akoy tumae lyrics mo ang lumabas”

0 comments :

Friday, December 28, 2012

FlipTop

What is FlipTop?


FlipTop is the First Filipino Rap Battle League, popularly called FlipTop or FlipTop Battles. It is the Philippines’ premier rap battle contest joined by underground and amateur rappers. FlipTop is sometimes described as a modern day Balagtasan, where two rappers are pitted against each other in a battle of acapella rap.

FlipTop
FlipTop
In most competition formats, FlipTop has 3 rounds per battle and the winner is determined by a panel of judges. Rappers are allowed to write the lyrics of their fliptop lines.

Founded on 6 February 2010 by Anygma (Aric Yuson), FlipTop gained prominence through video-sharing site YouTube. As of November 2011, all videos uploaded on its official YouTube account “fliptopbattles” gained 107 million views and is the third most viewed and sixth most subscribed channel in the Philippines.
Though it has an English-language conference, the FlipTop Battles are popular for its use of Filipino in its lyrics. Though delivered in freestyle, lyrics are loosely structured and rhytmic.

FlipTop lyrics are commonly spiced with Filipino vulgar and cuss words since, like most rap battles in other countries, the common aim between competing FlipTop rappers is to debunk each other’s notions through insults and expletives.

Among the prominent FlipTop rappers is Loonie (Marlon Peroramas), who has released his debut album The Ones Who Never Made It. The FlipTop style of rapping was also incorporated in the musical William by the Philippine Educational Theater Association. Source: wikipilipinas.org

0 comments :